Blog Link-31
Lyrics
Papuri Singers - Kamangha-manghang Diyos


O Diyos labis akong namamangha
Dahil kayganda ng Iyong nilikha
Mundo’y puno ng Iyong pagpapala
Sa’yong salita nagmula

Masdan ang buong sandaidigan
Ganda’y sadyang di mapapantayan
Damhin maging ang hangin at ulan
Likha ng makapangyarihan

Kamangha-mangha O Diyos
Kapangyarihan Mong taglay
Walang makalulupig at wala nang papantay
Sa ngalan Mo O Diyos
Kami’y magsasaysay
Walang hanggang papuri ang aming alay